Ang Panday - Ebe Dancel, Gloc-9

Ang Panday - Ebe Dancel, Gloc-9

  • Yayın yılı: 2017
  • Dil: Tagalog
  • Süre: 3:38

Şarkının sözleri aşağıdadır Ang Panday , sanatçı - Ebe Dancel, Gloc-9 çeviriyle birlikte

" Ang Panday " şarkısının sözleri

Çevirili orijinal metin

Ang Panday

Ebe Dancel, Gloc-9

Ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon

Hanggang sa iyong maisigaw nang malakas ang tugon

At magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim

'Pag natutunan mong hawakan ang talim

Huwag talikuran kung ano’ng nakatakda sa 'yo

Ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo

At mahawakan 'pag ika’y pinili ng espadang may taglay

Ano man ang humadlang, laban lang

Narito na ang panday

Dito sa Tondo, palaging mayro’ng gulo

Bawal ang mga lampa, dapat matibay ang buto

Dahil kinakaya-kaya lamang ang mga mahihina

Kapit sa patalim, bahala na kahit mahiwa

Agawan nang agawan, unahan nang unahan

Naliligaw, bakit wala kang mapagtanungan

Sa daan na ilan lamang ang nakakaalam

At ang malalakas lamang ang nakakalamang?

Kaya si Flavio ay napilitan na maging matigas

'Pag dumiskarte, mahirap mahuli, napakadulas

Kasama ng mga tropa, lahat ay palaban

Mayro’ng kanya-kanyang toka, giba kahit ilan ang bumangga

Ito ba ang buhay na tatahakin

Ng isang batang kalye, hindi mo sukat akalain?

Pagkatapos ng lahat na susunod na ikaw

Ang siyang napili ng tagapagmana ng balaraw

Huwag talikuran kung ano’ng nakatakda sa 'yo

Ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo

At mahawakan 'pag ika’y pinili ng espadang may taglay

Ano man ang humadlang, laban lang

Narito na ang panday

Dumating na ang kinatatakutan ng marami

Pangalan na kahit pabulong ay hindi mo masabi

Lagim na kanyang hatid at kampon na napakarami

Mundo na binalot ng dilim ay kailangang mabawi na nag-iisa

Siyang nagtataglay ng dugo

Wala nang iba, kailangan hawakan nang buo

Ang lakas ng loob at tapang ng panday

Ipinagkaloob sa kanyang mga kamay

Na hinubog sa apoy ng buhay, tumibay sa sugat

Walang uurungang laban, kapag kanyang binuhat

Ang espada na tanging makakatalo kay Lizardo

At sa dulo ng laban, kabutihan ang mananalo

Dahil ito ang piniling buhay na tatahakin

Ng isang batang kalye, hindi mo sukat akalain

Pagkatapos ng lahat na susunod na ikaw

Ang siyang napili ng tagapagmana ng balaraw

Huwag talikuran kung ano’ng nakatakda sa 'yo

Ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo

At mahawakan 'pag ika’y pinili ng espadang may taglay

Ano man ang humadlang, laban lang

Narito na ang panday

Ating tagapagligtas ang panday

'Di padadaig ang panday

Ang pagbabalik ng panday, ng panday

Ng panday, ng panday, ng panday

Ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon

Hanggang sa iyong maisigaw nang malakas ang tugon

At magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim

'Pag natutunan mong hawakan ang talim

Dahil ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon

Hanggang sa iyong maisigaw nang malakas ang tugon

At magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim

'Pag natutunan mong hawakan ang talim

Narito na ang panday

Ating tagapagligtas ang panday

'Di padadaig ang panday

Ang pagbabalik ng panday, ng panday

Ng panday, ng panday, ng panday

Ang pagbabalik ng panday, ng panday

Ng panday, ng panday, ng panday

'Di padadaig ang panday, ang panday

Ang panday, ang panday, ang panday

Narito na ang panday

Sanatçının diğer şarkıları:

1

Buhay

Gloc-9 • 2021

2

Quinta

Loonie, Gloc-9, Konflick • 2020

3

Alitaptap

Gloc-9 • 2021

4

Luma

Gloc-9 • 2021

5

Sana

Gloc-9 • 2021

6

Bahay Ni Gloc-9

Gloc-9 • 2020

7

Oka

Gloc-9, Loir • 2021

8

Sanib

Gloc-9, Loir • 2021

9

ALAM MO NA

Gloc-9 • 2023

10

Maulit Man

Gloc-9 • 2021

11

Otochun

Gloc-9, Geo Ong • 2020

13

Langit Lupa

Gloc-9 • 2021

14

All School

Gloc-9 • 2020

15

Pag Nagising Ako

Gloc-9 • 2021

16

Tindero

Gloc-9 • 2021

17

Sa 'kin 'Yan

Gloc-9, Honcho • 2021

18

Sampaguita

Juan Karlos, Gloc-9 • 2020

19

Excuse Me Po

Gloc-9 • 2006

20

Saranggola

Gloc-9 • 2021

Sitedeki yeni metinler ve çeviriler:

2 milyondan fazla şarkı sözü

Farklı dillerde şarkılar

Çeviriler

Tüm dillere yüksek kaliteli çeviriler

Hızlı arama

İhtiyacınız olan metinleri saniyeler içinde bulun